Minsan lang ko sila tinuruan, isang semester lang naman. First time instructor. Mahina boses, mahiyain.
Minsan lang din ko sila nakasama sa labas ng silid-aralan, (may ilan na ngimbita sa akin sa kanilang bahay at sa isang munting salo-salo).
Pero laking gulat ko na pagkatapos ng mahigit-kumulang tatlong taon, ako ay kanilang naalala. May tumawag sa kin gabi bago ng araw na mahalaga sa kanilang buhay. Meron din nagtxt at nagsabi pang “aasahan po namin kayo.” Sabi ko nga dun sa isa nung kami ay ngbalik-alala, hindi ko maisip dati na pwede pala ako magturo, “I wasn’t sure before if I’m worthy enough.”
Pero siguro nga, siguro ang patunay na mali ako sa aking mga pagdududa, ay ang pamamahagi nila ng kanilang tagumpay. Noong araw na iyon, ipinakita nila sa akin ang kaligayahan ng pagtulong sa kapwa, sa pagkilala at pagsuporta sa mga pangarap ng mga tulad nilang kabataan na nagsusumikap na makaangat sa buhay at mabigyan ang kanilang sarili at kanilang mga pamilya ng magandang kinabukasan.
Para sa sumusunod na studyante ko na nagraduate ngayong taon, ako ay lubos na nagagalak:
Aquino, Ma. Sheilalyn P.
Avila, Erika P.
Barruga, Rolando C.
Bunda, Maran Elane M.
Cajigal, Jennalyn V.
De Guzman, Vallen N.
De Leon, Cheenee P.
Del Valla, Ma Juliet P.
Fremista, Lourdes G.
Mendoza, Ederick L.
Palarca, Jenny M.
Velasco, Theresa M.
God bless. Ipagdadasal ko na mabilis makasunod ang iba.